BOOKS

AMPALAYA MONOLOGUES (Summit Books - 2017)

May umasa’t naghintay sa label na never dumating. May ipinagpalit ng boyfriend sa sarili niyang bff. May bored na sa tatlong leap-year na pagiging single. May spoken word artist na sa stage lang kayang magbuhos ng feelings. May pagod na sa pagmo-move- on nang paulit-ulit. Ilan lang sila sa 27 characters sa librong ito na nakatikim ng iba’t ibang klaseng pait pagdating sa pag-ibig.

Ang Ampalaya Monologues ay ang isa sa longest running episodic plays sa bansa, at ang book na ito ay collection ng ilan sa pinakamasasakit na kwento na nabigyang buhay sa halos 2 years nitong run.

Kilala ang palabas sa mga linyang tumatagos, mga linyang kayang humukay ng mga damdaming nakabaon sa kailaliman, kadulu-duluhan, at kasulok-sulukan bahagi ng iyong puso. Mga linyang nakakatawa dahil masyadong pamilyar. Mga linyang kumakatawan sa mga damdaming hindi mo malaman kung paano maipapahayag.

Sa huli, isa lang ang sigurado; anuman ang pinagdaanan, anuman ang nilakbay, at anuman ang kasalukuyang lagay ng puso mo, tiyak, may ampalaya monologue na para sa’yo.

Brought to you by Summit Books. Available in newsstands, bookstores, convenience stores, and supermarkets nationwide for P250.

Visit www.facebook.com/ampalayamonologues for more info.